Friday, March 9, 2018

Hindi Malilimutang Karanasan



Annyeong everyone~Bata palang po ako mahilig talaga akong manood ng mga palabas sa telebisyon.Lalong lalo na iyong may mga magagandang tanawin na pinapakita nila.Nagagalak kasi ako sa tuwing may nakikita akong magagandang tanawin at ako'y mapapaisip bigla na sana ay makapunta ako doon at maranasan ko din ang saya na naramdaman nila kasama syempre ang aking mga mahal sa buhay.Oo,katulad ako ng iba na nangangarap na makapunta sa ibang lugar at masilayan kung gaano kaganda ang likha ng Diyos.Sa ngayon po ibabahagi ko sa inyo kung saang lugar ito.KAYA SAMAHAN NINYO AKO SA AKING PAGLALAKBAY...!!

ILIGAN CITY💘
-noong ako'y nasa ikawalong baitang pumunta kami ng Iligan City.Kasama ko syempre ang malapit sa aking puso(mama,zoey rose at zuki na sobrang cute ).First time ko pong pumunta ng Iligan city kaya naman ay kahit medyo malayo-layo at nakakapagod ang biyahe"GORABELLS"parin ako.Around 3:30pm kami ng hapon bumyahe at dumating kami doon ay mga around 6:00 pm kaya dumiretso kami ng Jollibee para doon na maghapunan.Pagkatapos kumain sa Gaisano Mall naman kami pumunta at namili ng mga sandals kase mura lang(110)at ayos naman ang kalidad.Doon ko rin naranasan ang pagsakay ng elevator.Noong una ay natatakot pa akong sumakay at baka masira pero salamat na rin at hindi.Mga 9:00pm pumunta na kami sa kakilala na pweding matulugan dahil bukas ay maaga pa kami mag diriwang ng kaarawan,imbetado kasi kami🎉🎁.(iyon nga ang dahilan kung bakit kami pumunta ng Iligan City)hihi😂Pagkatapos ng birthday party ay syempre nag picture2× muna kami at umuwi kami dala ang hindi malilimutang karanasan💓

FEATURING TAMBULIG SWIMMING POOL
*Dito napo magtatapos ang aking lakbay sanaysay.Salamat nga pala sa pag-babasa😘.Pagpasensyahan na ninyo kung nabitin kayo sa aking lakbay sanaysay.Hindi po kasi kami masyadong naglalakwatsa.Salamat po sa pag-uunawa💋..
Nagkaroon kami ng pagtitipon-tipon sa side ng mama ko at naisipan naming maligo sa "Tambulig Swimming Pool". 12:30 pm na ng bumiyahe kami at dumating kami ng mga around 3:00pm.Dumiretso na kami agad sa lugar kung saan kami magkikita-kita.At talaga namang hindi kayo magsisisi dito dahal kaya lang sa bulsa ang entrance 15 pesos bawat isa at cottage na 100 pesos kasya sa buong pamilya.May makikita pa kayong magagandang tanawin sa bawat dadaanan ninyo at marami din ditong unggoy at syempre napakalamig talaga ng tubig para kang "naliligo sa yelo" talaga namang babalik-balikan mo ito😍.Pagkatapos naming mag bonding ng mga relatives ko ay nagpicture-picture kami.Nang nag 5:00pm na ay napagdesisyonan na naming umuwi dala na naman ang isang karanasang hindi malilimutan at talaga namang mananatiling may puwang sa aming isipan at puso.